Huwebes, Pebrero 22, 2018

RRUC Interventions in DAS Conflict


RRUC at 6ID nagpulong


Cotabato City - Nagpulong sina Chairman Datu Romeo K. Sema,Commisioner Madjang Linggisan  at Gen.Ariel Dela Vega ng 6th Infantry Division sa Camp Siongco upang pag - usapan ang mga suliranin hinggil sa rido. Ipinagbigay alam ni Chairman Sema na sa mga darating na mga araw ay itatakda na ang final settlement sa isa sa mga malaking rido dito sa maguindanao at agad namang ibinigay ni Gen.Dela Vega ang kanyang suporta dito katunayan isinuhestiyon niya na kung maaari ay sa kampo na lang ng 6ID nila dalhin ang ceremonial kanduli.

Miyerkules, Pebrero 21, 2018

DevAd/Governance Regular Cluster Meeting

Cotabato City - Dumalo si Chairman Datu Romeo K.Sema sa kauna-unahang DevAd/Governance Regular Cluster Meeting upang pag-usapan ang mga nailatag na convergence activities sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government. Nagbigay rin ng ilang mahuhusay na suhestiyon si Chairman Sema ang pagpapanatili ng palagiang pagbibigay abiso sa mga kasamang ahensiya na kasama sa cluster upang nang sa gayon ay magkakaroon ng mahusay na resulta sa mga nailatag na programa.

Executive Meeting



Cotabato City - Pinulong ni Chairman Datu Roneo K.Sema ang kaniyang Executive Director Abdulbasit Benito at Commissioner Madjang Linggisan upang pag usapan ang mga programa ng naturang ahensiya, kung matatandaan na nakipagpulong si Chairman sa The Asia Foundation at Center for Humanitarian Dialogue upang upang suportahan ang RRUC sa mga ilalatag na programa ngayon taon.

Linggo, Pebrero 18, 2018

RRUC,CHD at TAF nagpulong



Cotabato City-Nagpulong ang Regional Reconcilaition and Unification Commission,Center for Humanitarian Dialogue at The Asia Foundation upang pag usapan ang partnership agreement nito sa naturang ahensiya. Ayon kay Chairman Sema isa itong malaking hakbangin para mas mapalaks ang kampanya sa pagsupil sa usaping rido sa limang probinsiya ng ARMM.

Linggo, Pebrero 4, 2018

DACULA and DABPIL SETTLEMENT




Cotabato City-Pormal nang winakasan ng dalawang pamilya (Dacula at Dabpil) ng Brgy.Meti, Datu Blah Sinsuat,Maguindanao ang kanilang matagal na hindi pagkakaunawaan matapos ang masinsinang pag-uusap na inilatag nina Chairman Datu Romeo K.Sema ng Regional Reconciliation and Unification Commission at ng LGU ng Datu Blah Sinsuat Municipality sa pangunguna ni Datu Marshall Sinsuat. Isa umano itong malaking tagumpay sa bawat mamamayan ng naturang Munisipyo upang makamtan nila ang katahimikan sa kanilang lugar ayon kay Chairman Sema.Isinasaayos na rin ang petsa at lugar kung saan gaganapin ang grand kanduli sa lalong madaling panahon. Saksi rin sa pagpupulong ang ilang CSO's, MTFRU at CCH-MILF representatives.