The Regional Reconciliation and Unification Commission ARMM awards the Certificate of Completion to the Senior High School Interns under Accountancy and Business Management (ABM) of Cotabato City National High School - Main Campus. Congratulations!
Biyernes, Disyembre 29, 2017
Martes, Disyembre 26, 2017

Matapos ang kaguluhan noong December 26, 2017 na nag resulta sa pagkamatay ng dalawang tao sa Sitio Kibuko, Brgy.Matuber,Datu Blah Sinsuat, Maguindanao ay agad na tumulak ang Regional Reconciliation and Unification Commission sa pamumuno ni Chairman Datu Romeo K.Sema at LGU ng Datu Blah Sinsuat Municipality sa pangunguna ni Datu Marshall Sinsuat upang tingan ang totoong sitwasyon at sanhi ng kaguluhan at bigyan ng karampatang aksyon ang naturang pangyayari upang hindi na rinito lumaki pa ayon kay Chairman Sema ang pinakamahusay na solusyon sa lugar na ito ay magkaroon ng agarang pag-uusap sa pagitan ng dalawang partido kabilang na rito ang kanilang taga suporta na sana pag usapan muna ang mga bagay na hindi nila nauunawaan upang nang sa gayon ay hindi na aabot muli sa ganitong sitwasyon. Dagdag pa ni Sema na kinakailangan na rin na dagdagan ang presensiya ng kapulisan sa naturang lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente.
Biyernes, Disyembre 15, 2017
RRUC at LGU ng Datu Blah Sinsuat Maguindanao nagpulong
RRUC at LGU ng Datu Blah Sinsuat Maguindanao nagpulong
Nagkaisa ang RRUC at LGU ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao na bigyan ng agarang solusyon na matapos ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang pamilya sa Brgy.Meti ng naturang munisipyo upang makapag hanapbuhay na ng maayos ang mga mamamayan ng barangay. Kung matatandaan ilang linggo na ang nakalipas ay nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng dalawang pamilya na naging sanhi ng agarang kamatayan ng ilan sa kanilang mga taga sunod. Kasama rin sa pagpupulong ang CCCH-MILF upang tumulong na matapos na sa lalong madaling panahon ang suliranin sa naturang lugar.
Lunes, Disyembre 11, 2017
Development Administrative (DEVAD) cluster meeting
Dumalo sa nasabing pagpupulong si Chairman Datu Romeo K.Sema upang ipagbigay alam ang estado ng mga programa ng Regional Reconciliation and Unification Commission. Inilatag na rin ni Secretary Noor Hafizullah M.Abdullah ng DILG-ARMM ang mga plano ng naturang cluster group sa pagsapit ng 2018.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)