Miyerkules, Enero 3, 2018

Bago tuluyang matapos ang pitong araw na palugit na ipinataw ng LGU Datu Blah Sinsuat Municipality ay agad na nakipag-usap diumano ang asawa ng isa sa mga asawa ng salarin kay Chairman Datu Romeo K.Sema upang tulungan sila sa kadahilanang natatakot ito sa seguridad ng kanilang pamilya bukod pa rito inihayag rin nito na inaaamin ng kanyang asawa ang pagkakasangkot sa naturang krimen at ipinangako ang buong kooperasyon upang matapos na ang naturang kaguluhan sa kanilang lugar kung matatandaan noong nakaraang taon Disyembre 26, 2017 ay nagkaroon ng kaguluhan sa Sitio Kaguko, Brgy.Matuber, Datu Blah Sinsuat Municipality na naging sanhi ng pagkamatay ng dalawang residente ng naturang lugar.Ayon kay Sema isa itong napakalaking hakbang upang matapos ang kaguluhan sa lalong madaling panahon.
Binisita rin ni Chairman Sema ang pamilya ng mga biktima upang ihatid sa kanila ang mga mensahe ng kabilang panig na agad naman ikinagalak ng pamilya sa kadahilanang nakikita nito umano na umuusad ang naturang pangyayari sa isang mabuting usapin sa tulong RRUC,DBS LGU,North Upi LGU, PNP-ARMM at OSCC.

Walang komento: