Miyerkules, Pebrero 28, 2018

MILF at RRUC nagpulong



Cotabato City - Nagpulong ang pamunuan ng Regional Reconciliation and Unification Commission sa pamumuno ni Chairman Datu Romeo K.Sema at Gordon Shayfullah Khan ng Moro Islamic Liberation Front Task Force Conflict Resolution and Management upang pag-usapan ang draft format ng kasunduan ng pamilya Dabpil at Dacula. Ayon kay Sema isa itong napakalaking hakbangin tungo sa pagkakasundo ng dalawang pamilya na pawang magkakamag-anak.

RRUC at MILF nagpulong


Cotabato City - Nagpulong ang pamunuan ng Regional Reconciliation and Unification Commission sa pamumuno ni Chairman Datu Romeo K.Sema at Gordon Shayfullah Khan ng Moro Islamic Liberation Front Task Force Conflict Resolution and Management upang pag-usapan ang draft format ng kasunduan ng pamilya Dabpil at Dacula. Ayon kay Sema isa itong napakalaking hakbangin tungo sa pagkakasundo ng dalawang pamilya na pawang magkakamag-anak.

ARMM HELPS/BRIDGE CAPACITY DEVELOPMENT TRAINING




RRUC provides inputs on Conflict Management and Peace Advocacy during Capacity Building 
for the ARMM HELPS and BRIDGE clustered barangays of the municipalities of Barira,Buldon,
Matanog and Parang in the province of Maguindanao held at Parang Municipal Gym,Pob.Parang, Maguindanao on February 28, 2018.





Linggo, Pebrero 25, 2018

Provincila Peace and Order Council Meeting



Cotabato City - Ginanap ang Provincial Peace and Order Council meeting sa kampo ng 6ID,Camp Siongco,Awang, Datu Odin Sinsuat,Maguindanao na dinaluhan ng mga alkalde mula sa ibat-ibang munisipyo sa Maguindanao.Isa na rin sa mga imbitado sa naturang pagpupulong ang Regional Reconciliation and Unification Commission sa pamumuno ni Chairman Datu Romeo K. Sema.

Huwebes, Pebrero 22, 2018

RRUC Interventions in DAS Conflict


RRUC at 6ID nagpulong


Cotabato City - Nagpulong sina Chairman Datu Romeo K. Sema,Commisioner Madjang Linggisan  at Gen.Ariel Dela Vega ng 6th Infantry Division sa Camp Siongco upang pag - usapan ang mga suliranin hinggil sa rido. Ipinagbigay alam ni Chairman Sema na sa mga darating na mga araw ay itatakda na ang final settlement sa isa sa mga malaking rido dito sa maguindanao at agad namang ibinigay ni Gen.Dela Vega ang kanyang suporta dito katunayan isinuhestiyon niya na kung maaari ay sa kampo na lang ng 6ID nila dalhin ang ceremonial kanduli.

Miyerkules, Pebrero 21, 2018

DevAd/Governance Regular Cluster Meeting

Cotabato City - Dumalo si Chairman Datu Romeo K.Sema sa kauna-unahang DevAd/Governance Regular Cluster Meeting upang pag-usapan ang mga nailatag na convergence activities sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government. Nagbigay rin ng ilang mahuhusay na suhestiyon si Chairman Sema ang pagpapanatili ng palagiang pagbibigay abiso sa mga kasamang ahensiya na kasama sa cluster upang nang sa gayon ay magkakaroon ng mahusay na resulta sa mga nailatag na programa.

Executive Meeting



Cotabato City - Pinulong ni Chairman Datu Roneo K.Sema ang kaniyang Executive Director Abdulbasit Benito at Commissioner Madjang Linggisan upang pag usapan ang mga programa ng naturang ahensiya, kung matatandaan na nakipagpulong si Chairman sa The Asia Foundation at Center for Humanitarian Dialogue upang upang suportahan ang RRUC sa mga ilalatag na programa ngayon taon.

Linggo, Pebrero 18, 2018

RRUC,CHD at TAF nagpulong



Cotabato City-Nagpulong ang Regional Reconcilaition and Unification Commission,Center for Humanitarian Dialogue at The Asia Foundation upang pag usapan ang partnership agreement nito sa naturang ahensiya. Ayon kay Chairman Sema isa itong malaking hakbangin para mas mapalaks ang kampanya sa pagsupil sa usaping rido sa limang probinsiya ng ARMM.

Linggo, Pebrero 4, 2018

DACULA and DABPIL SETTLEMENT




Cotabato City-Pormal nang winakasan ng dalawang pamilya (Dacula at Dabpil) ng Brgy.Meti, Datu Blah Sinsuat,Maguindanao ang kanilang matagal na hindi pagkakaunawaan matapos ang masinsinang pag-uusap na inilatag nina Chairman Datu Romeo K.Sema ng Regional Reconciliation and Unification Commission at ng LGU ng Datu Blah Sinsuat Municipality sa pangunguna ni Datu Marshall Sinsuat. Isa umano itong malaking tagumpay sa bawat mamamayan ng naturang Munisipyo upang makamtan nila ang katahimikan sa kanilang lugar ayon kay Chairman Sema.Isinasaayos na rin ang petsa at lugar kung saan gaganapin ang grand kanduli sa lalong madaling panahon. Saksi rin sa pagpupulong ang ilang CSO's, MTFRU at CCH-MILF representatives.