Linggo, Pebrero 4, 2018

DACULA and DABPIL SETTLEMENT




Cotabato City-Pormal nang winakasan ng dalawang pamilya (Dacula at Dabpil) ng Brgy.Meti, Datu Blah Sinsuat,Maguindanao ang kanilang matagal na hindi pagkakaunawaan matapos ang masinsinang pag-uusap na inilatag nina Chairman Datu Romeo K.Sema ng Regional Reconciliation and Unification Commission at ng LGU ng Datu Blah Sinsuat Municipality sa pangunguna ni Datu Marshall Sinsuat. Isa umano itong malaking tagumpay sa bawat mamamayan ng naturang Munisipyo upang makamtan nila ang katahimikan sa kanilang lugar ayon kay Chairman Sema.Isinasaayos na rin ang petsa at lugar kung saan gaganapin ang grand kanduli sa lalong madaling panahon. Saksi rin sa pagpupulong ang ilang CSO's, MTFRU at CCH-MILF representatives.

Walang komento: