Martes, Marso 27, 2018

Bayang, Lanao Del Sur, Philippines-






















Nagpulong ang Regional Reconciliation and Unification Commission sa pamumuno ni Chairman Datu Romeo K. Sema at Alkalde ng naturang bayan na si Hon.Aslani P. Balt upang pag usapan umano ang pangunahing suliranin ng bayan hinggil sa rido. Ikinasa ng dalawang lider ang kanilang pinakamahusay na plano upang bigyang solusyon ang problema sa rido at sa mga darating na mga araw ay inaasahan na uusbong ang malapit na koordinasyon upang masimulan na ang mga pangunahing hakbang.

Lunes, Marso 26, 2018

Pakaradjaan 2018




PAKARADJAAN 2018: The 29th ARMM Anniversary Celebration

Rido mediators in ARMM gather for one cause




The Regional Reconciliation and Unification Commission of the Autonomous Region in Muslim Mindanao, The Asia Foundation, and the Centre for Humanitarian Dialogue convened rido mediators from different agencies and organizations in the region on Thursday, March 22-23, 2018.
The 2-day activity was dubbed as “Coming Together: All Rido Mediators in ARMM”, a documentation-workshop on practices and learning on rido mediation facilitated by Mr. Suharto Abas.
Romeo K. Sema, chairman of RRUC said the main purpose of the gathering is to formulate guide on rido settlement as part of the Planning Workshop held last year in Davao City.
The senior program officer of TAF Ms. Noraida Chio said the activity is significant to the development of the community as well as the country because conflict is one reason that hinders economic development.
Ibrahim Badiee, project officer of the CHD Manila was hopeful that the sharing of knowledge and experiences from the participants will be helpful for the success of the formulation of guide.
Sema was certain that the partnership with the two international organizations will continue to work on the settlement of rido in the region.
The activity was attended by the different mediators from local government units, security sectors, civil society organizations, the religious and traditional leaders.

Huwebes, Marso 22, 2018

WESMINCOM,ZAMBOANGA CITY



Ginanap ang kauna-unahang Regional Peace and Order Council meeting ngayong taon isa sa mga panauhin na dumalo ay si Secretary Delfin Lorenzana ng Department of National Defense (DND).

Camp Darapanan



Matapos ang masinsinang negosasyon sa pagitan ng dalawang pamilya (Dacula at Dabpil) na pawang residente ng Brgy.Meti, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao ay matagumpay itong nagkasundo noong March 22, 2018 sa pangunguna at inisyatibo ng Regional Reconciliation and Unification Commission, Datu Blah Sinsuat – Local Government Unit, MTFRU,MILF at Care for Peace. 
Laking galak ng dalawang pamilya ng tuluyan na itong humupa  na rin ang kanilang hidwaan at nawa’y manumbalik na umano ang pangmatagalan na kapayapaan upang matamasa naman ng kani-kanilang mahal sa buhay ang mamuhay ng masagana sa kanilang lugar samantala inihalintulad umano ni Former Mayor Datu Marshall Sinsuat na tagumpay ito ng buong Munisipyo ng Datu Blah Sinsuat at inihayag na sa lalong madaling panahon ay magkakaroon ng Grand Kanduli sa naturang bayan upag ipagdiwang umano ang isang napakalaking tagumpay.

Sabado, Marso 3, 2018

Rido sa pagitan ng pamilya Mama Kmair at Umping naayos na


Cotabato City-Tinuldukan na nang pamilya Mama Kamir at pamilya Umping ang kanilang hindi pagkakaunawaan makaraang  pangunahan umanong ayusin  ni Regional Reconciliation and Unification Commission Chairman Datu Romeo K. Sema.Kung matatandaan noong huling bahagi ng nakaraang taon ay nagkaroon ng magkasunod-sunod na patayan sa pagitan ng dalawang pamilya na ikinabahala ng LGU ng Datu  Blah Sinsuat at agarang ipinaalam sa RRUC ang naturang pangyayari at agad na sinimulan ang proseso ng pag-aayos ng dalawang pamilya.