Sabado, Marso 3, 2018

Rido sa pagitan ng pamilya Mama Kmair at Umping naayos na


Cotabato City-Tinuldukan na nang pamilya Mama Kamir at pamilya Umping ang kanilang hindi pagkakaunawaan makaraang  pangunahan umanong ayusin  ni Regional Reconciliation and Unification Commission Chairman Datu Romeo K. Sema.Kung matatandaan noong huling bahagi ng nakaraang taon ay nagkaroon ng magkasunod-sunod na patayan sa pagitan ng dalawang pamilya na ikinabahala ng LGU ng Datu  Blah Sinsuat at agarang ipinaalam sa RRUC ang naturang pangyayari at agad na sinimulan ang proseso ng pag-aayos ng dalawang pamilya.

Walang komento: