Huwebes, Marso 22, 2018

Camp Darapanan



Matapos ang masinsinang negosasyon sa pagitan ng dalawang pamilya (Dacula at Dabpil) na pawang residente ng Brgy.Meti, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao ay matagumpay itong nagkasundo noong March 22, 2018 sa pangunguna at inisyatibo ng Regional Reconciliation and Unification Commission, Datu Blah Sinsuat – Local Government Unit, MTFRU,MILF at Care for Peace. 
Laking galak ng dalawang pamilya ng tuluyan na itong humupa  na rin ang kanilang hidwaan at nawa’y manumbalik na umano ang pangmatagalan na kapayapaan upang matamasa naman ng kani-kanilang mahal sa buhay ang mamuhay ng masagana sa kanilang lugar samantala inihalintulad umano ni Former Mayor Datu Marshall Sinsuat na tagumpay ito ng buong Munisipyo ng Datu Blah Sinsuat at inihayag na sa lalong madaling panahon ay magkakaroon ng Grand Kanduli sa naturang bayan upag ipagdiwang umano ang isang napakalaking tagumpay.


Walang komento: